NCAP, idinipensa ni SolGen. Guevarra sa oral argument ng Korte Suprema

Idinipensa ni Solicitor General Menardo Guevarra ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) at ang mga ordinansa ng Local Government Unit (LGU) para sa implementasyon nito sa oral argument ng Korte Suprema kanina.

Si SolGen. Guevarra ang tumayong abogado ng Land Transportation Office (LTO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at limang LGU respondents.

Ayon kay Guevarra, nasa police power ng mga LGU at nasa kapangyarihan ng MMDA at LTO ang magpatupad ng traffic policies para sa kapakanan at kaligtasan ng publiko.


Dagdag pa nito, walang merito at walang legal standing ang petitioners laban sa NCAP.

Ang isyu rin aniya ng paglabag sa data privacy ay dapat na idinulog sa National Privacy Commission (NPC).

Kaugnay nito, hiniling ni Guevarra sa Mataas na Hukuman na alisin na ang Temporary Restraining Order (TRO) laban sa implementasyon ng NCAP at pagtibayin ang legalidad nito.

Facebook Comments