Vhong Navarro, nakalaya na

Nakalaya na ang aktor na si Vhong Navarro matapos ang tatlong buwang pagkakakulong sa kasong rape.

Siya ay sinundo ng kanyang misis na si Tanya Bautista sa Taguig City Jail.

Hindi naman nagpaunlak ng interview sa media si Navarro dahil ayon sa kanyang mga abogado ay pagod daw ito.


Magpapahinga muna ang aktor ng ilang araw bago ito bumalik sa hosting sa kanyang noontime show.

Ayon pa sa kanyang mga abogado, emosyonal si Navarro nang pagbigyan ng korte ang kahilingan niyang makapagpiyansa.

Isang milyong pisong piyansa ang inilagak ng aktor para sa kanyang kalayaan.



Facebook Comments