Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Roy Layao, Cauayan CSC head ng NCIP, bagamat puno na ang kanilang slot na tatlumpu ay tinatanggap pa rin nila ang mga bagong aplikante dahil kada semester o taon naman aniya ay nagtatapos ang mga nakuhang scholar kaya mainam pa rin na mayroong pangalan na nakaabang at papalit sa mababakanteng slot.
Para naman sa mga mag-aapply ng NCIP Scholarship ay kailangan lamang dalhin ang mga hinihinging requirements tulad ng mga sumusunod: Application form na maaaring makuha sa tanggapan ng NCIP; Information Index o Biodata; Genealogy bilang pagpapatunay na kabilang sa mga Indigenous People; Field Verification; tatlong piraso ng 2×2 ID with name tag; dalawang piraso ng Documentary stamp; Certificate of Indigency; Form 138; Certificate of Grades; at Certificate of Participations.
Lahat ng mga nabanggit na dokumento ay kailangang ng tig tatlong kopya o photocopy. Nasa mahigit P3,000 pesos naman kada semester ang ipinagkakaloob na halaga ng tulong sa mga NCIP Scholars.
Mensahe nito sa mga magkokolehiyo na mag-aapply ng NCIP scholarship na magtungo lamang sa kanilang tanggapan na matatagpuan sa Old Terminal sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City dala ang mga nabanggit na mga dokumento.
Bukod sa lungsod ng Cauayan na sakop ng National Commission on Indigenous People ay sakop din nito ang mga katutubo na nakatira mula sa mga bayan ng San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, at Palanan.