Mga piling lugar muna sa bansa ang makakatanggap ng Pfizer COVID-19 vaccines.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kabilang sa unang makakatanggap ng Pfizer vaccine ang National Capital Region (NCR) at mga lalawigan ng Cebu at Davao.
Aniya, ang limitadong distribusyon ng Pfizer vaccines ay dahil sa sensitibo nitong cold storage requirement na dapat ay nasa negative 70 degree Celsius.
Tiniyak naman ni Vergeire na hindi maaapektuhan ng padating na supply ng Pfizer vaccines ang rollout ng pamahalaan sa mga bakuna.
Mamayang alas-9:00 ng gabi, inaasahang dadating sa Pilipinas ang shipment ng 194,000 doses ng Pfizer vaccines mula sa COVAX Facility.
Facebook Comments