NCR, dapat handang itaas ang COVID-19 testing sa 60,000 kada araw – OCTA

Iminungkahi ng OCTA Research Group na itaas sa 60,000 ang COVID-19 testing kada araw sakaling magkaroon ng surge ng COVID-19 cases.

Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, dapat doblehin ang testing capacity sa Metro Manila kapag ang kaso ay pumalo sa average na 6,000 kada araw.

Gayumpaman, inaasahang bababa ang positivity rate sa 15% sa susunod na dalawang linggo kapag nagpatuloy ang kasalukuyang trend.


Facebook Comments