NCR, posibleng maibaba na sa Alert Level 2 sa Pebrero – NTF

167

Posibleng maibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila pagsapit ng Pebrero.

Ito ay kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba na naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Sabi ni National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa, mataas pa ang naitatalang bagong kaso sa buong bansa pero nakita niya ang mabilis na pagbagsak ng numero sa kalakhang Maynila.


Pero isa rin aniya sa magiging basehan kung ibababa na ang Alert Level o hindi ay ang sitwasyon sa mga ospital.

Facebook Comments