P20-M pinatuyong marijuana, inabandona sa Kalinga

108

Umaabot sa P20.6 milyon ang halaga ng mga marijuana bricks at tubular ang narekober na nakasilid sa sako ng mga otoridad sa national highway Sitio Iyukan, Mallango, Tinglayan sa Kalinga.

Tumambad sa kapulisan sa national highway ang nasa 158 piraso ng dried marijuana bricks at 14 na piraso ng tubular na nakasilid sa limang sako na tumitimbang sa humigit kumulang na 172 kilograms.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang kapulisan kaugnay sa hinihinalang pagbiyahe ng marijuana mula sa Tinglayan patungong Tabuk City kung saan agad inilatag ang checkpoints at mobile patrol sa lahat ng mga major roads.


Inaalam pa ng pulisya kung sino ang nagmamay-ari ng iligal na droga at posibleng inabandona na lamang ang droga dahil sa presensya ng mga otoridad sa inilatag na checkpoints, maging ang Comelec checkpoints.

Patuloy na nagsasagawa ng follow up investigation ang mga operatiba ng kapulisan para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga nagmamay-ari ng inabandonang illegal na droga.

Facebook Comments