Estudyante na High Value Individual, Arestado sa Pagbebenta ng Marijuana

40
Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang estudyante na kabilang sa High Value Individual (HVI) sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Nangalisan, Solana, Cagayan.

Sa pinagsanib-pwersa ng PDEU/PIU, Cagayan PPO, Solana Police Station at PDEA Region 2, matagumpay na nahuli ang suspek na kinilalang si Nicolli Dave Castillo, 19 taong gulang at residente ng Zone 5, Nangalisan, Solana, Cagayan.

Ito’y matapos makapag benta ng isang (1) piraso ng folder paper na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng “Marijuana” sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang isang libong piso.

Nakumpiska naman mula sa suspek ang Php1,000 na buy-bust money; isang (1) unit ng cellphone; dalawang (2) pakete ng hinihinalang “Shabu” na nagkakahalaga ng humigit kumulang na sampung libong piso na DDB Value.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ng Solana Police Station.

Facebook Comments