NCRPO Chief, nag-ikot sa Araneta Center bus terminal para masigurong naipapatupad ang mahigpit na seguridad

Nag-ikot sa Araneta Center bus terminal si National Capital Region Police Office Chief Police Major General Guillermo Eleazar.

 

Ito’y para masiguro na ipinapatupad ang mahigpit na seguridad kung saan una niyang ininspeksyon ang mga deployment ng kanilang mga pulis sa loob at labas ng terminal.

 

Napansin naman ni Eleazar na walang hawak na metal detector ang mga guwardiya kung saan paliwanag naman ng security agency na binubuksan at masusing ininspeksyon ng kanilang mga tauhan amg bawat bitbit na gamit ng mga pasahero.


 

Wala din naitatalang anumang insidente ng krimen ang Quezon City Police District sa mga terminal ng bus sa Cubao at patuloy silang magbabantay hanggang mahal na araw.

 

Inaasahan naman na mas lalong dadami ang pasahero mamayang gabi lalo na’t karamihan sa mga ito ay nagbakasyon na sa kani-kanilang trabaho.

Facebook Comments