
May paalala si National Capital Region Police Office (NCRPO) PMGen. Anthony Aberin para sa mga grupong hindi nakakuha ng permit para sa paggunita sa ika-40 anibersaryo ng People Power Revolution ngayong araw.
Ayon sa NCRPO Chief, pinapayagan na nila ang mga grupong walang permit na makilahok sa iba’t ibang grupo na makikiisa sa naturang selebrasyon kung susunod lamang ang mga ito sa mga inilatag na alituntunin.
Pero kung manggugulo man aniya ang mga grupo ay mabilis nila itong aaksyunan.
Samantala, nasa 200 personnel mula sa NCRPO ang idineploy sa EDSA People Power Monument ngayong araw bilang karagdagang pwersa para sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng lahat.
Kumpiyansa rin ang hepe na hindi na mauulit ang nangyaring kaguluhan noong Setyembre 21 sa Manila dahil sa kanilang overwhelming na deployment ng police personnel.










