NCRPO, namigay ng solar lights sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Odette sa Surigao

Inihayag ni Police Major General Vicente Danao Jr. na namahagi ang National Capital Region Police Office o NCRPO ng solar lights sa mga pamilyang napinsala ng Bagyong Odette.

Aniya, personal nilang pupuntahan ang beneficiaries nito na nakatira sa Purok 3, Brgy. Cayutan, Surigao City, Surigao del Norte.

Maliban sa mga solar light, binigyan din nila aniya ang mga bata ng mga laruan.


Ang nasabing hakbang aniya ay alinsunod sa program ng NCRPO na “Serbisyong TAMA: TApat, may tapang at MAlasakit para sa sambayanang Pilipino”.

Batid aniya nila na napakahirap ang nangyaring ito sa mga kababayan na apektado ng Bagyong Odette, lalo na ngayon na nalalapit na ang kapaskuhan at nasa gitna pa rin tayo ng pandemya.

Pahayag pa niya, nagpapasalamat ang NCRPO sa mga taong agad na nagbigay ng tulong at ayuda sa mga kababayang nasalanta ng bagyo.

Naniniwala aniya siya na sa pamamagitan ng pagtutulungan ay unti-untingr makakabangon ang mga kakabayan natin na lubhang na pinsala ng nakaraang bagyo.

Facebook Comments