NCRPO nananatiling alerto kasunod ng pagbubukas ng klase sa mga pribadong eskwelahan ngayong araw

Kahit na tapos na ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan noong nakalipas na linggo.

Nananatiling alerto ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para naman sa pagbubukas ng klase sa mga pribadong paaralan ngayong araw.

Ayon kay NCRPO Director, Major General Guillermo Eleazar inatasan na niya ang hepe ng 5 police districts sa Metro Manila na bantayan ang mga pribadong paaralan sa kanilang nasasakupan.


Magkakaroon din ng police assistance desks upang bantayan ang seguridad ng mga estudyante gayundin upang umasiste sa daloy ng trapiko.

Magpapatuloy din ang deployment ng police marshals sa mga pampublikong sasakyan tulad ng mga bus, UV Express at mga jeepney.

Matatandaan noong isang linggo 7,153 policemen ang idineploy sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Facebook Comments