Cebuanang nagwagi sa Miss Universe Philippines 2019, kilalanin!

Kinoronahan ang Cebuanang si Gazini Christiana Ganados bilang Miss Universe Philippines 2019 sa katatapos lang na Binibining Pilipinas pageant sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Mismong si reigning Miss Universe Catriona Gray ang nagpasa ng korona sa 23-year old beauty na Tubong Talisay, Cebu.

Sa question and answer portion ng pageant, iginiit ni Ganados na bilang Binibining Pilipinas-Universe ay itataguyod niya ang adbokasiyang ipaglaban ang karapatan ng kababaihan.


Bukod kay Ganadoz, kinoronahan din sina:

Bea Patricia Magtanong, Bataan – Miss International

Emma Mary Tiglao, Pampanga – Miss Intercontinental

Samantha Lo, Cebu City – Miss Grand International

Leren Mae Bautista, Laguna – Miss Globe

Reesham Saeed, Maguindanao – Miss Supranational

Samantala, patuloy pa rin na mino-monitor ang kondisyon ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Kritikal kasi ngayon ang kondisyon ng aktor matapos magtamo ng neck fracture.

Sinusuri na rin ng kanyang TV network ang video ng pag-collapse habang siya ay nasa shooting.

Nagpapasalamat naman ang pamilya ni Manoy sa mga taong patuloy na nagdadasal para sa fast recovery.

Facebook Comments