MANILA – Tiniyak ni National Capital Region Police Office Director, Chief Supt. Oscar Albayalde na wala silang namo-monitor na anumang banta ng terorismo sa Metro Manila hinggil sa paggunita ng undas.Ayon kay Albayalde, batay ito sa kanilang pag-iikot sa mga terminal ng bus bilang bahagi naman ng paghahanda sa seguridad ng mga pasaherong dadagsa at bibiyahe sa mga probinsya simula ngayong araw.Kaugnay nito, inabisuhan naman ni Albayalde ang publiko na iwasan nang magdala ng masyadong maraming gamit para hindi na maabala.Aniya, tiyak kasing maaabala lamang ang mga pasahero dahil mahigpit ang ginagawang inspeksyon sa mga bag at kargamento.Sa kabila nito, patuloy ang paalala ng PNP sa publiko na tiyaking ligtas ang kanilang mga tahanan kung walang maiiwan na miyembro ng pamilya.Sa ngayon ay nananatili sa full alert ang status ng NCRPO, kung saan aabot na sa 7,000 pulis ang ipinakalat sa matataong lugar.
Ncrpo, Tiniyak Na Walang Banta Ng Terorismo Sa Metro Manila
Facebook Comments