NCRPO tiwalang magiging maayos din ang mga naghahain ng kani-kanilang kandidatura sa mga susunod na araw.

Tiwala ang pamunuan ng National Capital Region Police Office o NCRPO na magiging matiwasay rin ang kalagayan sa mga susunod na mga araw ng paghahain ng kani-kanilang kandidatura sa Local and National Election 2022.

Ayon kay NCRPO Regional Director P/MGen Vicente Danao Jr., nakikita niya na naging maayos at mapayapa naman ang unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy o COC at Certificate of Nomination and Acceptance o CONA sa Sofitel Harbor Garden Tent, Pasay City

Paliwanag ni Danao walang naitalang anumang karahasan isang oras bago magtapos ang unang araw ng COC at CONA filing sa Sofitel para sa National positions kaya’t naniniwala ang heneral na sa mga susunod na araw ay magiging maayos ang filing kung saan tututokan ng mga pulis ang paligid ng Sofitel para matiyak ang seguridad at kaayusan ng mga kumandidato.


Giit pa ni Danao mahalaga na dapat paalalahanan ang mga suporters ng mga kumakandidato na dadagsa at magtitipon-tipon sa paligid ng Sofitel na sumunod sa ipinatutupad na Health protocols.

Facebook Comments