Natagpuan patay sa loob ng kaniyang tahanan sa Novaliches Proper ang National Democrat Front consultant na si Randal Echanis.
Unang nireport sa Quezon City Police District (QCPD) Police station 4 ang pagkamatay ng isang Manuel Santiago at sa follow up report ay lumitaw na si Randal Echanis.
Ala-singko ng madaling araw nang matagpuan ang duguang katawan nina Echanis at Louis Tagapia sa tinutuluyan nilang apartment sa Petronian St., Barangay Nova Proper, Quezon City.
Nakarinig ang mga residente sa kalabugan mula sa apartment at nang silipin nila, limang lalaki ang nakitang nagmamadaling umalis.
Si Tagapia ay nakabulagta sa sahig at may palo sa ulo habang si Echanis ay nakahiga sa folding bed at tadtad ng saksak sa katawan.
Si Echanis ay tumatayo ring Chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.