Iginiit nina Committee on Appropriations Chairman at AKO BICOL Party-list Rep. Elizaldy Co at Manila 3rd District Representative Joel Chua na dapat ng palitan ng Department of Disaster Resilience (DDR) ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sinabi ito nina Co at Chua kasunod ng rekomendasyon ng NDRRMC na isailalim sa state of calamity ang buong bansa sa loob ng isang taon.
Para kay Co, sablay ang naturang rekomendasyon dahil uubusin nito ang calamity funds ng mga lokal na pamahalaan at ang disaster response funds ng mga kinauukulang agensya ng gobyerno.
Umaasa si Co na hindi na uulitin ng NDDRMC ang ganitong ideya o mungkahi na hindi naman pabor sa intres ng publiko.
Katwiran naman ni Chua, hindi dapat ipagkait sa mga Pilipino ang maibibigay ng DDR na sapat na kahandaan, adaptation and mitigation, coordination at nararapat na aksyon tuwing may kalamidad.