Nigerian national at kanyang partner sa love scam, arestado ng PNP

Nasakote ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP- ACG) ang isang Nigerian National at ang kanyang partner na nambiktima sa isang 59 na taong gulang na Pilipina sa tinaguriang “love scam”.

Kinilala ang mga ito na sina Ikenna Onuoha alyas Demir Balik at ang kanyang partner na si Jacel Ann Paderan na sinilbihan ng warrant of arrest sa kasong swindling at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Bacoor, Cavite nitong Martes.

Base sa reklamo ng biktima, hiningan siya ng ₱2.2M ng suspek at dahil napaniwala ito at napa-ibig ng suspek nagpadala umano siya ng pera sa account ni Paderan at isa pang kasabwat na si Cristine Mae Elizares, na nananatiling at-large.


Kasunod nito, nagpaalala ang PNP-ACG sa mga naghahanap ng pagmamahal sa internet na kilatising maigi ang inyong makaka-match at kapag nanghihingi na ng pera, ituring na ito bilang red flag upang maiwasang maging biktima ng love scam.

Facebook Comments