NDRRMC, magpapadala ng assessment teams para alamin ang pinsalang iniwan ng Bulkang Taal

Magpapadala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng assessment teams sa mga lugar na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal – papasukin ng assessment teams ang mga lugar sa labas ng seven kilometer radius danger zone.

Dati aniya ay hindi ito mapasok ng ahensya dahil bahagi pa ito noon ng 14 kilometer radius.


Sisiyasatin nila kung gaano kalawak ang pinsalang idinulot ng Bulkang Taal.

Aalamin din nila kung paano matutulungan na makabangon ang mga apektadong residente

Sinabi ni Timbal – na bagamat ibinaba na sa alert level 3 ang bulkan, hindi pa rin dapat magpakasiguro ang mga residente.

Tiniyak ng NDRRMC na tulu’y-tuloy ang ibinibigay ayuda ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa mga apektadong residente.

Facebook Comments