NDRRMC, magtatayo ng isolation polling place para sa may sintomas ng COVID-19 sa araw ng halalan

Magtatayo ng isolation polling place ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa mga makikitaan ng sintomas ng COVID-19 sa araw ng halalan.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, sa pamamagitan ng isolation polling place ay maaari pa ring makaboto ang may sintomas ng naturang virus.

Maliban dito ay kasado na rin ang paglalagay ng NDRRMC ng mga medical health tents sa mga polling places.


Samantala, nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi papayagan ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19 na lumabas ng isolation facilities o ospital para bumoto sa May 9.

Facebook Comments