Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga apektado ng masamang panahon dala ng low pressure area at shearline sa Eastern Visayas.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 14, 775 pamilya o katumbas ng 57, 606 mga indibidwal ang apektado ng masamang panahon.
Galing ang mga ito sa Samar, Northern Samar, Eastern Samar, Southern Leyte at Biliran.
Sa naturang bilang, 193 na inidbidwal o katumbas ng 45 pamilya ang nasa evacuation centers na habang ang iba ay nagsilikas sa kanilang mga kaanak.
Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na 103 na barangay sa nasabing mga lugar ang labis na nakaranas ng masamang panahon.
Facebook Comments