MANILA – Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa blue alert ang kanilang status para sa bagyong Marce.Ibig sabihin, kalahating porsyento ng buong puwersa ng NDRRMC ay naka-monitor na sa mga lugar na tatamaan ng bagyo at inalerto na rin ang iba’t ibang probinsya.Batay sa PAGASA, inaasahang magla-landfall mamayang hapon o gabi ang bagyong Marce sa Surigao provinces.Suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cebu dahil sa bagyo habang sa munisipalidad ng bantayan, ay hanggang elementary level.Wala na rin klase sa lahat ng mga preschools sa lungsod ng Butuan.Samantala, wala na ring pinahihintulutan ang Philippine Coast Guard Agusan Del Norte na mga sasakyang pandagat na maglalayag sa karagatan upang maiwasan ang posibleng pagtaob ng nasabing mga sasakyan.
Ndrrmc – Naka Blue Alert Status Na Kaugnay Sa Bagyong Marce
Facebook Comments