NDRRMC, nakapagtala ng 10 storm related incidents

Aabot sa 10 storm related incidents ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod ng pananalasa ng bagyong Faclon.

Kabilang sa mga ito ay pagguho ng lupa, pagbaha, vehicular at maritime mishaps sa Cagayan Valley, Ilocos Region, Cordillera, Mimaropa, Bicol at Western Visayas.

Ayon sa NDRRMC, 87 pamilya o 391 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa 12 barangay sa Cagayan Valley at Cordillera.


Siyam na kalsada at tatlong tulay sa Cagayan Valley at Cordillera ang isinara dahil sa pagbaha at landslides.

21 lugar ang binaha sa Bicol at Western Visayas.

Sa Lanao del Norte, nagsagawa na ng pre-emptive evacuation kung saan 159 pamilya mula sa bayan ng Salvador at Curva Miagao ang lumikas.

Nasa 3,044 pamilya ang lumikas dahil sa nararanasang pagbaha sa mga bayan ng Lala, Kapatagan, Sapad at Sultan Naga Dimaporo.

Facebook Comments