Voters registration, bubuksan na sa August 1

101

Muling bubuksan ang voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa May 11, 2020.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez – gaganapin ang voters registration mula August 1 hanggang September 30.


Maaaring magparehistro mula Lunes hanggang Sabado, maski holiday, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon sa Office of the Election Officer o anumang satellite registration site sa lokalidad kung saan nakatira ang magpaparehistro.

Ang naturang satellite registration site ay pwedeng gawin sa barangay hall, public at private school at unibersidad, mall at commercial establishment.

Umaasa ang Comelec na mapapalapit sa mga tao ang proseso ng satellite registration.

Facebook Comments

From Advertisers