Umabot na sa 139,146 na indibidwal o katumbas ng 95,741 na mga pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Agaton.
Batay ito sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa NDRRMC, galing ang mga naapektuhan sa 274 na barangays sa Region 5, 6, 7, 8, 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.
Sa nasabing bilang, 17,070 ang mga indibidwal o katumbas ng 4,681 na pamilya ang tumutuloy ngayon sa mga evacuation center habang ang iba naman ay lumikas muna sa kanilang mga kaanak.
Samantala, sinabi naman ng NDRRMC na patuloy ang verification nila sa mga ulat ng mga nasasawi, nasaktan at nawawala na may kinalaman sa bagyo.
Sa kasalukuyan, mayroon silang 40 napaulat na nasawi, 12 nasaktan at 2 nawawala.