NDRRMC, pinag-iingat ang mga maaapektuhan sa malakas na pag-ulan at pagbaha

Muling nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na mag-ingat at manatiling handa dahil sa nararanasang pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng bansa.

Hatid pa rin ito ng tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng Habagat at iba pang mga umiiral na weather system.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa kanilang regional counterpart at lokal na pamahalaan hinggil sa mga paghahanda at mga aksyon gaya ng pagsasagawa ng evacuation, pag-preposition ng family food packs, pagpapadala ng abiso sa apektadong lugar, at iba pa.


Paghihikayat ni Jalad sa publiko, maging updated sa lagay ng panahon at sumunod sa mga otoridad para iwas aksidente.

Facebook Comments