NEA, nag-remit sa national government ng ₱1.35B ng unused subsidies para magamit sa pagtugon sa COVID-19

Nagpadala ang National Electrification Administration (NEA) sa national government ng ₱1.35B mula unused subsidies at dividends nito para magamit sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay NEA Administrator Edgardo Masongsong, inaprubahan ng NEA Board of Administrators ang remittance ng pondo sa Bureau of Treasury.

Ayon pa kay Masongsong, makakatulong ang pondo sa inisyatibo ng pamahalaan na maabutan ng mga pangangailangan ang publiko.


Lalo pa’t maraming industriya at kabuhayan ang lubhang naapektuhan dahil sa krisis sa pangkalusugan.

Facebook Comments