NEA, nagkaloob ng PPE sa health workers sa Quezon City

Namigay ang National Electrification Administration (NEA) ng 300 Personal Protective Equipment (PPE) sa tatlong government hospital sa Quezon City.

Ang mga bigay na PPE ay para suportahan ang frontline health workers na patuloy sa kanilang paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sa pamamagitan ng Human Resources and Administration Department at Samahan ng mga Kawaning Makareporma ng NEA, ipinagkaloob ang PPE sa East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney and Transplant Institute.


Bawat hospital ay binigyan ng tig-100 piraso ng PPE.

Ang donasyong PPE ay mula sa ambag ng mga opisyal at empleyado ng ahensiya na nagkaisa para magpaabot ng tulong sa frontliners.

Isang paraan lang din anila ito para ipadama ang pagpapahalaga sa mga sakripisyo ng mga medical frontliner sa panahon ng pandemya.

Facebook Comments