Necrological services at pagbibigay ng pagkilala kay dating SP Nene Pimentel, isasagawa ng Senado bukas

Kasado na bukas, Miyerkules ang pagbibigay parangal at necrological services na isasagawa ng Senado para kay dating Senate President Aquilino Nene Pimentel Jr.

Umaga bukas, dadalahin ang labi ni Pimentel sa Senado, at inaasahang magbibigay ng eulogy sina Senate President Tito Sotto, Senator Pia Cayetano at ilang dati at kasalukuyang mga Senador.

Ibibigay rin ni Sotto sa pamilya Pimentel ang Senate Resolution Number 168 na nagpapahayag ng pakikidalamhati at pagsimpatiya ng buong Senado sa pagpanaw nito.


Nakasaad din sa resolusyon ang mga nagawa ni Pimentel bilang tagapagsulong ng demokrasya, at public servant gayundin ang mga malalaking batas na iniakda nito at mga posisyon na hinawakan.

Binigyang diin sa Resolsuyon na ang pagpanaw ni Tatay Nene ay malaking kawalan sa bansa na kanyang pinagkingkuran ng buong puso.

Mula pa noong araw ng linggo, ay naka half-mast na ang watawat ng Pilipinas sa harap ng gusali ng Senado bilang pagpapakita ng pagluluksa sa pagpanaw ng kanilang dating lider.

Facebook Comments