NEDA, inaprubahan ang ₱11.2-B pondo para sa fishery project

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-apruba ng National Economic and Development Authority o NEDA ng ₱11.2 bilyong pondo para sa Philippine Fisheries and Coastal Resiliency o FishCoRe Project.

Layunin nang pag-apruba sa pondo ay upang masolusyunan ang problema ng fishery sector, mabawasan ang poverty incidence at matiyak ang food security.

Sa pagpupulong sinabi ng pangulo na ilang dekada mula ngayon ay magkakaroon ng mas maraming saltwater fish cultivation na magre-resulta sa overfishing.


Dahil dito mahalaga ang FishCore Project para mabawasan ang overfishing na nakakadagdag sa kahirapan ng mga mangingisda.

Layunin rin ng FishCoRe ay makagawa ng fisheries infrastructure at facilities at makapagbigay ng kabuhayan at tulong sa mga mangingisdang Pilipino.

Aabot sa kabuuang 11.2 bilyon pesos ang pondo sa proyekto, 9.6 bilyong piso rito ay manggaling sa official development assistance o ODA sa pamamagitan ng World Bank.

Ang natitirang ₱660.6 million ay sasagutin ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR), habang ₱1.16 billion ay mula sa mga pribadong sector, beneficiary groups o kooperatiba.

Facebook Comments