MAGSASAKA,BOLUNTARYONG NAGSUKO NG BARIL

Boluntaryong isinuko ng isang magsasaka mula sa Brgy. San Luiz, Cauayan City ang isang yunit ng hindi lisensyadong Shotgun sa mga otoridad noong ika-24 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.

Kinilala ang nagsuko na si Fernando Sarasua, 75 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng nabanggit na lugar.

Ang matagumpay na pagsuko ng baril ni Sarasua ay sa pamamagitan ng isinagawang operasyon ng kawani ng Cauayan City PS na Oplan Katok Bilang Boga.

Samantala, nasa pangangalaga na ngayon ng Police Non-Commissioned Officer (PNCO) ang isinukong baril.

Facebook Comments