NEDA, ipinagtatanggol ang Rice Tariffication Law

Dinepensahan ng pinuno ng Socioeconomic Planning and Finance ang Rice Tariffication Law (RTL) na pinagtibay sa administrasyong Duterte.

Kasunod ito ng pahayag ni presumptive President Ferdinand Marcos Jr., na nais niyang amyendahan ang RTL.

Ayon kay Socioeconomic Planning and National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Karl Kendrick Chua, ang RTL ay ang pinakamahusay na modelo na mayroon tayo para matulungan ang mga magsasaka at mga mamimili.


Aniya, sa pamamagitan ng pag-alis ng mga quantitative restrictions, nagagawang matugunan ang parehong mga pangangailangan ng mga mamimili para sa mas mababang presyo ng bigas at gamitin ang mga kita sa taripa upang pondohan ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) at magbigay ng higit pang tulong sa mga magsasaka na may labis na kita sa taripa.

Batay sa Deparment of Finance (DOF), umabot sa ₱46.6 bilyon ang kinita ng gobyerno sa tatlong taon na pagpapatupad ng “Rice Tariffication Law.”

Facebook Comments