Ang needs ay mga bagay na kailangan mo at ang wants naman ay mga bagay na gusto mo. Sa pagtitipid at pag-iipon, kailangan nating siguraduhing may balanse sa pagitan ng pangmatagalan nating mga kailangan at panandaliang mga gusto lamang upang magkaroon ng sapat na kasiyahan sa buhay. Kadalasan, mas inuuna pa natin ang ating mga wants sa mga needs. Halimbawa, kapag may bagong labas na model ng cellphone, gusto natin itong bilhin kahit maayos pa naman yung gamit natin. Want na yon, hindi na need.
Sa “Distinguishing Between Wants and Needs” ni Erin Huffstetler, kailangan mo raw munang malaman kung ano ba talaga yung mga kailangan mo talaga sa gusto mo lang. Sa ganong paraan mo malalaman na puro wants lang halos ang pinagkakagastusan mo. Sa pagtitipid, kailangan mong gumawa muna ng desisyon sa kung ano ba talaga ang mahalaga sa’yo. Pagkatapos ay gumawa ng budget plan para hawak mo ang pera mo’t hindi mo magagastos kung saan lang.
Magiging mahirap ang pagdedesisyon kung need ba ang isang bagay o want. Pero kagaya ng ibang bagay, madali na ito kapag sanay ka na. Isang araw magugulat ka na lang na ang laki na pala ng iyong naipon.
Article written by Andrew San Fernando