Negatibong komentong ibinabato sa CA, isinisi ni Senator JV sa mga miyebrong may koneksyon sa mining companies

Manila, Philippines – Kung nagkaroon lang ng kahit konting delicadeza ang ibang miyembro ng Commission on Appointments o CA ay hindi sana aani ng negtibong komento ang hindi pagkumpirma kay DENR Secretary Gina Lopez.

Ito ang reaksyon ni Senator JV Ejercito makaraang sabihin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na “lobby money talks” kaya hindi lumusot sa CA si Secretary Lopez.

Ayon kay Ejercito, pinakiusapan niya ang mga miyembro ng CA na may koneksyon sa mining na mag inihibit na lang sa botohan para sa kumpirmasyon ni Lopez.


Pero nakakalungkot aniya wala sa mga ito ang sumunod.

Partikular pang tinukoy ni Ejercito na konektado sa mining industry ang pinuno ng CA contingent mula sa kamara na si Congressman Ronie Zamora na vice chairman pa mismo ng CA Committee on Environment and Natural Resources.

DZXL558

Facebook Comments