Require nang magprisinta ng negative RT-PCR o antigen test results ang mga biyaherong magtutungo sa Cebu mula Negros Provinces at Bohol.
Ayon kay Cebu Governor Gwen Garcia, ang requirement ay dagdag pag-iingat ng lungsod kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Bohol at Negros Oriental.
Ang RT-PCR test ay dapat na gawin sa loob ng 72 oras bago ang biyahe habang dapat sumalang sa rapid antigen test sa loob ng 48 oras.
Epektibo ang bagong polisiya ng Cebu simula ngayong araw, June 14 hanggang July 24.
Facebook Comments