NEGOSYANTE, HULI SA BUY-BUST; 10 GRAMO NG HINIHINALANG SHABU NASABAT SA SAN CARLOS CITY

Arestado ang isang 28 anyos na negosyante matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng San Carlos City Police Station bandang 9:30 PM nitong Disyembre 4, 2025, sa Paitan-Panoypoy, San Carlos City.

Ayon sa pulisya, ang operasyon ay isinagawa mula 9:30 PM hanggang 11:00 PM, sa koordinasyon ng PDEA RO1.

Natimbog ang suspek na isang 28 anyos na negosyante, at residente ng San Carlos City at narekober ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na 68,800 pesos at iba pang ebidensya.

Nasa kustodiya ngayon ng San Carlos City PS ang naarestong suspek at ang nakumpiskang ebidensya para sa karampatang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments