Negosyante na Nagpaputok ng Baril sa isang Burol, Natimbog

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga awtoridad ang isang negosyante matapos magpaputok ng baril sa isang lamay na kanyang dinaluhan sa Brgy. Maligaya, Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Roseso Calangan, 36 anyos, may asawa at residente sa nasbaing lugar.

Batay sa impormasyon ng PNP Echague, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na may isang lalaki na nagpaputok ng baril sa isang lamayan kaya’t agad silang nagtungo sa lugar upang beripikahin ang impormasyon at napag alaman na bago pa ito magpaputok ng baril ay nagtungo pa ito sa mismong lamayan at sumali sa isang grupo na naglalaro ng card games sa lugar at ilang sandali pa ay nagalit ito kaya’t agad na inilabas ang kalibre 38 nitong baril na agad naman ipinutok sa himpapawid ng isang beses kung saan naalarma ang mga residente sa burol


Hiningan pa ng mga awtoridad ng kaukulang dokumento ang negosyante na nagsasaad ng legal nitong paghawak at pagmamay ari sa baril ngunit bigo itong magpresenta ng kahit anong dokumento kaya’t agad itong inaresto ng pulisya.

Nakumpiska sa pag iingat ng suspek ang baril na kanyang ginamit, isang Paltik, 1 bala at 1 fired catridge.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 10591 ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Facebook Comments