Negosyante, Nilooban sa Cauayan City, Isabela!

Wala pa ring gabay ang kapulisan sa pagkakakilanlan ng anim na suspek na nanloob sa bahay ng isang negosyante sa Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Karlo Benjamine Roxas, 30 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Turayong sa nasabing lungsod.

Base sa naging imbestigasyon ng PNP Cauayan City, ang mga suspek ay nakabonete na nagpanggap na miyembro ng kapulisan at armado ng mga di pa matukoy na kalibre ng baril.


Iniutos din ng isa sa mga suspek sa biktima na ilabas ang ilang mga mahahalagang dokumento gaya ng titulo.

Natangay mula sa biktima ang isang cellphone at cash na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa dalawang daang libong piso.

Wala rin CCTV Camera sa mismong pinangyarihan ng insidente kung kaya’t di pa matukoy ang mga responsable sa nangyaring panloloob.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para sa ikalulutas ng kaso.

Facebook Comments