Negosyante, Pinagbabaril-Patay sa kanyang Babuyan

4996

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa nangyaring pamamaril sa isang lalaki ng dalawang suspek sa Brgy. San Juan, Quirino, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ireneo Saladino Marcos, 66 anyos at residente sa naturang lugar.


Ayon sa naging imbestigasyon ni P/Capt. Rufo Figarola, Hepe ng Quirino Police Station, pasado 6:45 kagabi ng pagbabarilin ang biktima sa loob mismo ng piggery nito kasama ang kanyang pamangkin na maswerte namang nakaligtas sa nasabing insidente.

Sinabi pa ni P/Capt. Figarola na posibleng pinagplanuhan ng mga suspek ang nangyaring pagpatay sa biktima dahil ang pinangyarihan ng insidente ay may kalayuan sa barangay road kung kaya’t posibleng inabangan na magtungo sa piggery ang biktima at isagawa ang pamamaril.

May sinusundan ng lead ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek pero tumanggi muna itong isapubliko habang umuusad pa ang nasabing imbestigasyon.

Narekober naman sa crime scene ang 4 na basyo ng bala ng caliber 45 at 4 na basyo ng bala ng kalibre 38 na baril.




Hinihikayat naman nito ang publiko na kung sakaling may iba pang impormasyon sa mga suspek ay ipagbigay alam sa kanilang himpilan.

Facebook Comments