Negosyante, Timbog sa Search Warrant Operation!

*Mallig, Isabela – *Arestado ng mga otoridad ang isang lalaki matapos masamsaman ng mga iligal na uri ng baril at bala bandang 6:30 kaninang umaga sa Brgy. Olango, Mallig, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Ronilo Calano, 46 anyos, isang magsasaka at negosyante na residente ng Brgy. Olango, Mallig, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, sinilbihan ng Search Warrant si Calano na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Br. 23, Roxas, Isabela at matagumpay na nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang isang Akkar Karatay Taktic shotgun, limang live ammunitions ng shotgun, apat na live ammunitions ng Cal 30mm, dalawang live ammunitions ng Cal 7.62 at isang piraso ng empty magazine ng Cal 45 pistol.


Nasa himpilan na ng PNP Mallig ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at paglabag sa Omnibus Election Code.

Facebook Comments