Surigao Del Sur, Philippines – Pinalaya na ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Bislig City, Surigao Del Sur ang isang negosyante na halos tatlong araw na nilang bihag.
Mga isang oras matapos ang exclusive interview ng RMN DXBC Butuan kahapon kay ka Amihan ng Northeastern Mindanao Regional Command ay agad na pinakawalan ng grupo si Carso Cesar Lademora, alyas Abud, may-ari ng minahan sa Sitio Sinug-Ang, Bayugan 3, Rosario, Agusan Del Sur.
Ayon kay ka Amihan, ang pagtangay kay Abud ay para masagot ang mga reklamong isinampa laban sa kanilang pamilya at sa mga tauhan nito na itinuturong suspek sa mga pagpatay at iba pang krimen na nangyari noon lalo na’t noong buhay pa ang kanyang ama na si dating Col. Carlos Lademora na namuno sa lost command.
Nilinaw din ni ka amihan na walang hinihiling na ransom money ang kilusan kapalit ng paglaya ni Abud Lademora.
DZXL558