Patrol base ng PNP sa Agusan Del Sur, hinarass ng NPA

Agusan Del Sur, Philippines – Hinarass ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang patrol base ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng PNP sa Brgy. Tabon-Tabon bayan ng Sibagat, Agusan Del Sur kaninang 4:45 ng madaling-araw.

Ayon kay PSI. Rodel dorado, hepe ng sibagat Municipal Police Station, isa ang naitalang napatay na si PO1 Sharmaine Cañete.

Nadala pa sa Butuan City Medical Center si PO1 Cañete pero hindi nakayanan ang sugat sa kanyang ulo at ilang minuto lamang ay binawian ng buhay.
DZXL558


Facebook Comments