*Cauayan City, Isabela-* Isa sa mga nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan ay mga negosyante ng Micro, Small and Medium Enterprise (MSME).
Ito ang kinumpirma ni ginoong Winston Tan Singun, ang Chief ng Trade and Industry Development ng DTI Region 2 kung saan batay umano sa Philippine Statistic Authority (PSA) ni MSME Sec. Mon Lopez sa isinagawang MSME Summit sa Clark, Pampanga ay nasa mahigit siyam na raan na mga rehistradong negosyo at base sa Philippine Business Registry ng DTI at ibang ahensya ay umaabot na ito sa 1.5 milyon na stablisyimento ng mga maliliit na negosyo.
Aniya, Pera umano ang numero unong puhunan sa pagpapatayo ng negosyo kung saan mayroon umanong ibinigay na pondo ang pamahalaan o P3 “Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso” upang matulungang mapalawak ang mga maliliit na negosyo dito sa bansa at bilang panlaban na rin umano sa 5-6 ng mga Bumbay.
Ayon pa kay ginoong Singun, dapat ay mayroon umanong sariling tanggapan ang Small Business Corporation sa mga Opisina ng DTI sa isang lugar na pupuntahan ng mga market vendor upang mag-apply at magpasa ng Accreditation paper at kung qualified umano ang mga ito ay mabibigyan na ang mga ito ng pondo na kanilang gagamitin sa kanilang negosyo o ipapautang sa kanilang mga kasama.
Kailangan din umanong mayroong legal na permit at dokumento ang mga nasa maliliit na negosyo na dumaan at pumasa sa DTI.