Negosyo sa Cotabato City lumago

Inaasahang muling madaragdagan pa ang mga investors na maglalagak ng negosyo sa Cotabato City sa mga susunod na mga araw at inaasahang magbibigay pa ito ng libong mga trabaho sa mga taga syudad at mga kalapit bayan.Itoy bunsod na rin sa muling pagkakasali ng Cotabato City bilang finalist ng The Philippine Chamber of Commerce and Industry bilang Business Friendly City sa buong bansa sa panayam ng RMN DXMY kay Mayor Frances Cynthia Guiani.

Sinsabing inaantay na lamang ang opisyal na resulta, ngunit mapabilang pa lamang at marecognized ang mga pagsisikap ng LGU ay isa na itong malaking karangalan dagdag pa ni Mayor Guiani.

Kaugnay nito pinasalamatan ni Mayor Guiani ang publiko sa pagtutulungan at suporta na mapanatili ang magandang imahe ng syudad at pagpapanatili ng katiwasayan .
Ilan sa mga nakatakdang magbubukas sa Cotabato City ay KCC Mall, Robinsons SuperMart mga food chain ng KFC, panibagong gusali ng Greenwich, Turks Shawarma at madami pang iba, matatandaang sa nagdaang mga taon nagbukas sa syudad ang Centro Mall , City Mall, Mall of AlNor , Em Manor , Fiesta Mall, Superama HyperMart , PureGold , Toyota at higit 2 libong mga malilit na establishments dagdag ng alkalde.(DENNIS ARCON)


Google Pic

Facebook Comments