*Magandang Gensan*- Nanatiling nasa ‘stable” ang negosyo sa syudad ng Heneral Santos kahit na sa patuloy na pagpapatupad ng Martial Law sa Mindano.
Ito ang sinabi ni Arabeque Batilong, assistant head ng City Economic Management and Cooperative Development Office (CEMCDO). Sa isinagawa nilang mga aktibidad sa ekonomiya at negosyo ng Gensan.
Ayon pa sa kanya, na wala silang nakuhang report na nagkansela ng investments og nagsara ng negosyo sa syudad ng General Santos.
Dagdag pa nito na naging normal ang naging takbo ng negosyo at walang pagbabago kahit pa may batas military.
Sa interbyu ng RMN GENSAN sa kanya, bagamat may mga pagbaba ng mga hotel accommodation sa mga buwan na kung saan ipinapatupad ang Martial Law sa Mindanao nanatiling normal pa rin ang takbo ng mga negosyo sa syudad ng Gensan. ( Bryan Lavega Oñate- rmn gsc) Photo by: LGU GENSAN
Negosyo sa Gensan nanatiling “stable” kahit na sa pagpapatuloy ng Martial Law sa Mindanao
Facebook Comments