Idol pangarap mo rin ba magkaroon ng sariling negosyo? yung tipong ikaw ang amo at hawak mo ang oras mo? Pwede rin namang sideline maliban sa pagiging isang empleyado.
Lahat tayo nangangarap na magkaroon ng sariling negosyo at ang isa sa pinakaimportanteng elemento ng pagsisimula ng negosyo ay ang puhunan. Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa’yong sa halagang isang libong piso pwede ka nang magsimula ng sarili mong negosyo?
Narito ang ilan sa mga negosyo na pwede mong simulan sa halagang isang libong piso.
1. Food Business
Ito ang negosyong hindi nawawala sa uso lalo na kung may talento ka sa pagluluto. Ilan sa mga halimbawa ng mga pagkaing pwede mong simulan sa mababang puhunan at ibenta ay puto, ice candy, fruit shake, pulboron, pastillas, yema. Mga pagkaing per order tulad ng spaghetti, sopas, goto, lugaw at kung anu-ano pang pagkaing pangmeryenda. Basta siguraduhin lang na masarap at malinis ang mga pagkaing ibebenta mo.
2. Repacking Business
Kung wala ka namang talent sa pagluluto, pwede ka rin naman magrepack ng mga pagkain at ibenta katulad ng gummies, candies na mabenta sa mga bata. Pwede rin ang tuyo, daing, dilis at kahit anong pagkain na pwede mong bilhin ng maramihan at i-repack nalang.
3. Accessories
Kung may talent ka sa paggawa ng mga accessories tulad ng kwintas, bracelet, hikaw, singsing, anklets, headband ito ang negosyong para sa’yo. Importante na meron kang creative ideas para sa iba’t-ibang designs na pwede mong gawin na papatok sa panlasa lalo na sa mga kababaihan na mahilig sa accessories.
4. Perfume Business
Maaari mo rin simulan ang perfume business sa halagang isang libong piso. May mga nag-ooffer ng perfume business starter kit, pwede kang magbenta ng mga premix perfumes o mag-join sa mga trainings kung paano magtimpla ng sarili mong scents.
5. RTW
May eye ka ba for fashion? Updated ka ba sa mga “in” na style ngayon pagdating sa mga damit. Eto ang negosyo na para sa’yo. Maaari kang bumili ng iba’t-ibang style ng mga damit sa halagang one thousand pesos at wholesale price pa sa Divisoria at Baclaran at pwede mo itong ibenta sa sarili mong pwesto or pwede rin namang online.
6. Loading Business
Sa panahon ngayon, maaari na nating ikonsidera na ang cellphone load ay isang need. Maaari kang bumili ng isang sim na pwedeng mag-load sa lahat ng networks.
7. Resell
Reselling ang isa sa mga option mo kung wala kang talent sa pagbuo ng sarili mong produkto. Maaari kang maghanap, pumili at bumili ng bultuhan ng kahit anong items na patok ngayon. Mahalaga dito ay updated ka sa mga trend. Bilhin mo ito sa wholesale price at ikaw na ang bahalang mag-mark-up.
Ilan lamang ito sa mga negosyong maari mong simulan sa halagang isang libong pisong puhunan. Lagi lang tatandaan na mahalaga sa pagkakaroon ng sariling negosyo ang focus, sipag at tiyaga upang ito ay lumago at maging matagumpay.
Ikaw idol, may alam ka pa bang negosyo na maaari mong simulan sa halagang isang libong piso?
Negosyo, Sa Halagang ISANG LIBONG PISO!
Facebook Comments