Luna, Isabela – Umabot na sa 80 porsiyento ang mga aktibong livelihood programs ang patuloy na nagpapaangat sa kita ng bayan ng Luna ngayong taon.
Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Hon. Mayor Jaime Atayde, punong bayan ng Luna, kanyang ipinagmalaki na bawat barangay sa kanilang bayan ay may mga sariling produkto na diretso na sa mga tindahan sa nasabing bayan upang maibenta.
Aniya, gumugol na ang bayan ng Luna ng mahigit 10 milyong piso sa pagpapatayo ng mga nasabing negosyo na nagsimula pa noong taong 2016.
Dagdag pa ng alkalde, kabilang sa mga pangunahing produkto na nagagawa sa kanilang bayan ay processed meat, rice wine, red egg, peanut butter, pambentang sabon, hopia, pabango, kape, toyo at suka, kakanin, banana chips, at tinapa (smoke fish).
Pinamumunuan naman ang mga nabanggit na livelihood programs ng mga opisyal at miyembro ng Rural Improvement Club ng Luna.