Negros Island Region Peace and Order Council suportado ang tinutulak na National ID System

Negros Island Region – Isang Resolution ang ipinasa ng Negros Island Region Peace and Order Council at ipadala sa National Peace and Order Council para suportahan ang tinutulak na National ID System.

Ayun kay Marlyn Sanogal , Action Officer ng Negros Occidental Peace and Order Council nasa tamang panahon na para ipatupad ang National ID System dahil sa inaasahang Migration ng mga taga-Mindanao sa ibang lugar sa Pilipinas dahil sa Marawi Crisis dahil sa pag ataki ng Maute Terror Group.

Malaking tulong rin ito sa mga Law Enforcement Agencies ng Gobyerno para makilala ang mga mga Lawless Elements. Napag-alaman na ang Pilipinas ang isa sa syam na mga bansa sa buong mundo na hindi pa nagpapatupad ng National ID System.
DZXL558


Facebook Comments