Neri naig, tutulungan ang isang bride na na-scam ng kanilang wedding coordinator

71

Tutulungan ng aktres at businesswoman na si Neri Naig ang isang bride na na-scam ng kanilang wedding coordinator.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang viral video at pinapahanap ang bride para iabot ang kanilang tulong.


Sinabi rin ni Neri na sila na ang bahala sa wedding reception na gaganapin sa isang restaurant malapit sa kanilang lugar.

Sagot na rin daw nila ang wedding cake, programa pati na rin ang emcee.

Bukod dito, may pa-souvenir pa sila para sa mga guest para wala na talagang gagastusin pa ang mag-asawa.

Say ni Neri, stressful na nga ang preparasyon at paghahanda sa kasal pero mas masakit sa pakiramdam ang ma-scam sa mismong araw ng iyong kasal.



Inulan naman ng papuri si Neri dahil sa kaniyang kabutihan.

Facebook Comments