Naging viral sa social media ang post ng isang netizen na hinihimok ang mga taong linisin ang kanilang pinagkainan sa fast food chain o restaurant.
Sa litratong ibinihagi ni Junery Ace Villa, makikita nakapatong sa malinis na mesa ang sinalansang baso, plato, at kutsara at sama-samang buto ng manok at kalamansi.
“Practice doing this whenever you will eat outside and you will surely bring smile on the crew’s face,” mensaheng isinulat ni Villa sa Facebook post.
Sumang-ayon ang mga netizens sa iminumungkahi ni Villa. Ineengayo nila ang kamag-anak at kaibigan na gawin ito para hindi mahirapan ang mga service crew sa paglilinis.
“Ang saya lang makita mga crew na naka-smile“
“This made me smile as I do that too whenever I finished eating.”
“Sarap makatulong kahit sa ganitong klasing bagay lang”
Hangad ng karamihan, sana maging kaugalian ng mga Pinoy ang CLAYGO – clean as you go. Sa ngayon, umabot na sa 97,000 shares at 30,000 likes ang friendly reminder ni Villa.